-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Patay sa pamamaril ang isang agent ng Kabus Padatuon (KAPA) matapos barilin habang nasa cashiers booth sa bahagi ng bayan ng Malapatan, Sarangani province.

Kinilala ang biktima na si Jenneth Orquillas, 33-anyos, residente ng Purok Panaggalon, Malapatan.

Dinala pa sa isang pagamutan ang biktima subalit kaagad itong binawian ng buhay matapos tamaan ito sa ulo.

Ayon kay Malapatan Municipal Mayor Jun Sumbo na ang biktima ay agent noon ng KAPA, ALAMMCO at iba pang investment scheme na may negosyo sa naturang bayan.

Kaagad namang nagsagawa ng pursuit operation ang mga kinauukulan para habulin ang salarin.

Nakuha sa crime scene ang basyo ng .45-caliber pistol.