-- Advertisements --

DAVAO CITY – Tiniyak ng Police Regional Office (PRO) 11 ang malalimang imbestigayon sa sinasabing agent ng Titan 29 na pinagbabantaan ng ilang mga miyembro ng kapulisan.

Nauna nang pinayuhan ni Police Major Jason Baria, ang spokesperson ng PRO-XI, ang mga agent ng iba’t ibang investment schemes na pumunta sa kanilang opisina at makipagkita kay Regional Director Police Brigadier General Marcelo Morales para matukoy kung sino ang nagbabanta sa kanila na mga police officers.

Binigyan diin ni Baria na walang dapat na ipag-alala ang mga magrereklamo dahil bibigyan ang mga ito ng sapat na proteksyon.

Nauna nang lumabas ang impormasyon na halos P50 milyong ang ininvest ng nasabing mga pulis at hindi nakatanggap ng payout matapos na magsara ang kompanya.