Napanatili ng bagyong Aghon ang taglay nitong lakas sa kabila ng pag-landfall sa Giporlos, Eastern Samar kaninang madaling araw.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa coastal waters ng Catbalogan City, Samar.
Kumikilos ito nang Northwestward sa bilis na 30 km/h.
May lakas itong 55 km/h at may pagbugsong 70 km/h.
Nakataas ang Signal No. 1 sa mga sumusunod na lugar:
Northern portion ng Aurora, Polillo Islands, southern portion ng Quezon, eastern portion ng Romblon, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Sorsogon, Masbate, kabilang na ang Burias at Ticao Islands; Northern Samar, Samar, Eastern Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, extreme northern portion ng Cebu, kabilang na ang Camotes at Bantayan Islands; Dinagat Islands.
Inaasahang mananalasa ang bagyo ngayong araw sa Visayas at Southern Luzon at tinatayang lalakas pa bilang tropical storm category.