-- Advertisements --
Patuloy sa paglayo ang typhoon Aghon sa Luzon landmass at patungo na ito sa karagatan ng Japan.
Gayunman, kalat ang ulap sa iba’t-ibang lugar kaya aasahan pa rin ang mga pagbuhos ng ulan.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 155 km sa silangan ng Casiguran, Aurora.
May lakas itong 140 km/h at may pagbugsong 170 km/h.
Kumikilos ito nang pasilangan hilagang silangan sa bilis na 10 km/h.
Signal No. 1:
Quirino, Nueva Vizcaya, Isabela, Aurora, Quezon, kasama na ang Polillo Islands at Camarines Norte.