-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Nasa kostudiya na ng Philippine Eagle Foundation (PEF) sa Davao Oriental ang naligtas nilang Philippine Eagle (Pithecophaga jefferyi) na may timbang na 4-kilo.

Nahuli ng isang grupo ng mga animal hunters ang nasabing agila nitong Marso 18 sa kagubatan na boundary ng Barangay Simulao, Boston, Davao Oriental at Brgy. Rajah Cabungsuan, sa bayan naman ng Lingig, Surigao del Sur.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Surigao del Sur- PENRO-OIC Victor Sabornido, na ang lalaking agila na tinatayng apat na taon na ay ni-rescue ng grupo ni Doctor Bayani Vandenbroek matapos makipag-ugnayan sa kanila ang mga nakahuli nito.

Napag-alamang ang panghuhuli ng agila ay makokonsiderang paglabag sa Republict Act 9147 o mas kilalang Wildlife Resources Conservation and Protection Act.

Ang naturang batas ay syang magko-conserve at magpoprotekta ng mga wildlife resources at kanilang habitat.