Siniguro ng Agoo Municipal Tourism Office na malinis ang kanilang mga tourism sites ngayong nalalapit na ang long weekend dahil sa UNDAS 2023.
Ito’y upang matiyak na mag-eenjoy sa pamamasyal ang mga turista na bibisita sa kanilang lugar.
Dahil nga dito ay kaagad na nagsagawa ng OPLAN UNDAS 2023: Coastal Clean-up sa Agoo Baywalk ang kanilang Tourism office.
Naglalayon ito na maging masaya ang mga turista sa pamamagitan ng pagtataguyod ng tamang pagtatapon ng basura at pagpapanatiling malinis sa gilid ng dagat.
Ayon sa naturang Tourism Office , ito ay magiging huwaran sa publiko .
Maipapakita rin nito ang tungkulin ng bawat isa na protektahan ang kalikasan at pagtataguyod ng malinis na tourist sites.
Inaasahang sa darating na holiday ay muling dadagsa ang mga turista sa Agoo Baywalk.