Umalma ang aktres na si Agot Isidro sa paratang ni President Rodrigo Duterte laban sa kanyang nobro at senatorial candidate sa ilalim ng Otso Diretso coalition na si Florin “Pilo” Hilbay na isa umano itong bakla.
Ito ay matapos akusahan ng pangulo si Hilbay sa campaign rally ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan o PDP-Laban sa Cagayan noong Martes.
“Florin Hilbay is a lawyer. But he’s gay. His girlfriend is Igot Isidro. They’re always together. Agot rather, not Igot,” ani Duterte.
Giit naman ng pangulo na wala siyang problema sa LGBTQIA (lesbian, gay, bisexual, transgender, queer or questioning, intersex, and asexual or allied) community pero dahil daw sa palagi siyang ‘binubully’ ni Agot at Hilbay ay silang dalawa ang nagkatuluyan.
Hindi rin nagpahuli ang pangulo ng kwestyunin nito ang mga nagawa ni Hilbay noong naging solicitor general ito.