-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Hihigpitan ng Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO)-Benguet ang implementasyon ng Wildlife Resources Conservation and Protection Act sa lalawigan ng Benguet.

Ayon kay Emerita Albas, Wildlife Enforcement Officer ng PENRO-Benguet, ito ay upang mapigilan ang pagkolekta sa mga pananim sa kabundukan at ang paghuli sa nga wildlife o mga mababangis na hayop.

Aniya, may mga na-deputized na ilang mga barangay officials para maaari silang maghuli sa mga nangangaso na umuubos sa mga mababangis na hayop sa mga kabundukan ng Benguet.

Sinabi pa ni Albas na marami pang mga baboy-ramo, usa, sawa at iba pang mga hayop sa mga masusukal na bahagi ng Benguet na dapat lamang na maprotektahan.