-- Advertisements --

VIGAN CITY – Naniniwala ang labor group na Associated Labor Unions- Trade Union Congress of the Philippines (ALU- TUCP) na sunod na maapektuhan ng coronavirus disease 2019 ang mga produktong ine-export ng bansa.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Alan Tanjusay, spokesperson ng nasabing grupo, sinabi nito na bukod sa mawawalan ng trabaho ang ilang sektor sa bansa ay maaapektuhan na rin umano ng COVID- 19 ang sektor ng agri-business na nag-eexport ng mga produkto sa ibang bansa tulad ng prutas na saging.

Aniya, mayroon na umano silang natanggap na impormasyon na inayos na ang flexible work schedule sa mga nagtatrabaho sa agri-business sector.

Maliban pa rito, nakikita rin umano nila na mahihirapan ang bansa na magdeploy ng mga oversease workers dahil sa COVID- 19.