-- Advertisements --
Binatikos ng agriculutural group na SINAG sa naging desisyon ng Department of Agriculture (DA) sa pag-angkat ng pula at puting sibuyas.
Kay Jayson Cainglet ang Executive Director ng SINAG na hindi dapat magmadali ang DA na mag-angkat dahil sa naantala lamang ng ilang linggo ang pag-ani ng mga sibuyas bunsod ng mga makakasunod na bagyo noong nakaraang taon.
Natitiyak din ng grupo na mayroong pang mga natitirang stocks sa mga traders at retailers.
Ipinayo nito sa DA na dapat hintayin muna ang pag-ani ng mga magsasaka ng sibuyas.
Magugunitang ipinag-utos ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr ang pag-angkat ng 3,000 metric tons na pulang sibuyas at 1,000 metric tons na puting sibuyas.