Naniniwala ang farmers group na Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) magtutuloy pa rin ang pagtaas ng presyo ng mga agricultural products kahit na tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na kanilang pipigilan ang anumang pagtaas ng presyo ng mga agri products.
Sinabi ni SINAG president Rosendo So, na tuwing nalalapit na ang buwan ng Disyembre ay nagiging normal ang pagtaas ng presyo ng mga bigas at itlog kahit na walang paggalaw ang mga farmgate prices ng mga ito.
Umaasa naman sila na magbabalik sa normal ang presyo ng mga agri products pagkatapos ng Holiday season.
Una ng sinabi ni DA spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa na hindi na inaasahan ang pagtaas dahil sa maganda ang suplay at stable naman aniya ang local production ng mga agri products.