-- Advertisements --

TUGUEGARAO CITY – Nakatakdang magpulong sa Lunes ang mga direktor ng Department of Agriculture sa Northern at Central Luzon kaugnay ng mga hakbang kontra banta ng African swine fever (ASF).

Ayon kay Narciso Edillo, executive director ng DA Region 2, kasama nilang magpupulong ang mga opisyal ng ahensya mula sa Cordillera at Central Luzon.

Target daw nilang magsagawa ng zoning sa kanilang mga bakuran para makabuo ng hakbang laban sa sakit ng mga baboy.

Nitong Linggo nang maiulat na siyam na bayan sa Isabela ang apektado ng ASF.

Pinayuhan ng opisyal ang gobernador ng lalawigan na magdeklara na ng state of emergency kung lalawak pa ang sakit ng mga alagang hayop.