Hindi umano magiging maganda ang dulot sa halos 50 syudad sa United States ang pagtataas ng taripa sa lahat ng produkto ng Mexico na iniaangkat sa naturang bansa.
Ayon kay Graciela Marquez, economy minister ng Mexico, posible raw na magkaroon ng negatibong epekto ang mataas na taripa pagdating sa value chain, konsyumers at pati na rin sa mga trade-related jobs ng parehong bansa.
Sigurado na magiging sanhi ito ng malaking pinsala sa agricultual sector ng Mexico at Estados Unidos na tinatayang aabot sa $117 million o halos pitong bilyong piso kada buwan.
Samantala, handa naman ang Mexico na tanggihan ang ihahaing ideya ng Estados Unidos na magkaroon ang mga ito ng kontrol sa lahat ng Central American assylum kung itutuloy nito ang pagtataas ng taripa sa kanilang mga produkto.
Sinigurado naman ni Mexican Foreign Minister Marcelo Ebrard na sinusubukan ng kanilang bansa na tuparin ang pangako nila kay Trump na tuluyan nang reresolbahin ang problema nito sa illegal migration.
Ito ay matapos paratangan ni Trump na wala umanong iniaabot na tulong ang Mexico upang lutasin ang dumadami pang bilang ng mga iligal na nakakapasok sa Estados Unidos na nagmumula sa kanilang bansa.