-- Advertisements --
Umabot na sa sampung milyong piso ang inisyal na halaga ng pinsala na iniwan ng bagyong Kristine sa sektor ng pagsasaka sa Bicol Region.
Batay sa monitoring ng DA Regional Field Office 5, mayroong 234 magsasaka na apektado at tinatayang 600 metriko tonelada ng mga produkto ang nasira mula sa mahigit 200 ektarya ng mga sakayan.
Malaking porsyento nito ay natukoy sa mga palayan.
Samantala, ang probinsya ng Camarines Norte ang tinatayang nagtala ng pinakamalaking danyos sa pagsasaka. Sinundan ito ng Camarines Sur.
Inaasahan namang magbabago pa ito habang nagpapatuloy ang ginagawang assessment at validation sa mga sakahan sa buong Bicol Region, ang pangunahing nasalanta sa pananalasa ng bagyong Kristine.