Hinimok ni Agri-Party list Representative Wilbert Lee ang gobyerno gumawa na ng mga intervention para mapigilan ang food inflation.
Sinabi ng mambabatas sa ngayon kasi, kahit patuloy na bumababa ang inflation rate hindi pa rin ito mararamdaman ng mga ordinaryong mamamayan hanggat gawing mas abot-kaya ang presyo ng mga pangunahing bilihin partikular sa pagkain at inumin partikular sa bigas at gulay.
Batay sa isang survey maraming mga pamilyang Pilipino ang nakakaranas ng gutom sa nakalipas na tatlong buwan.
Ayon sa survey nasa 10.4 percent sa pamilyang Pilipino ang nakaranas ng involuntary hunger o walang makain.
Una ng binigyang-diin ni Rep. Lee na dapat maging agresibo ang gobyerno sa pagtugon sa mga kadahilaan na nag-aambag sa food inflation.
Binanggit ng Bicolano lawmaker na ang pagkain at non-alcoholic beverages ang pinakamalaking nag-ambag sa 5.4 percent inflation rate noong buwan ng Hunyo.
Hinikayat din ng mambabatas ang gobyerno na kaagad dagdagan ang mga Kadiwa centers sa ibat ibang bahagi ng bansa ng sa gayon maging accessible ito sa mga consumers.
Sabi ni Lee, kailangan ng mga permanenteng solusyon para mapababa ang presyo ng pagkain.
Sinabi ng mambabatas na kailangan na rin mag invest ang pamahalaan sa post-harvest facilities ng sa gayon maiwasan ang pagtaas ng presyo ng bigas at ng iba pang produkto.