-- Advertisements --

Naka-isolate na ngayon si Department of Agriculture Secretary William Dar matapos na magpositibo sa COVID-19.

Sa kaniyang Twitter, sinabi nito na nakaranas ito ng katamtamang sintomas ng nasabing virus.

Ipagpapatuloy pa rin nito ang kaniyang trabaho bilang kalihim kahit na naka-isolate.

Hindi naman binanggit ng kalihim kung ito ay nakatanggap na ng kumpletong bakuna laban sa COVID-19.

Magugunitang naka-isolate na rin matapos mag-positibo sa COVID-19 sina Department of Tourism (DoT) Secretary Bernadette Puyat at Department of Transportation (DoTr) Secretary Art Tugade.