-- Advertisements --
cropped House of Representatives

Hinihimok ng ilang mambabatas na pagtuonan ng pansin sa kongreso ang agricultural modernization sa halip na itulak ang constitutional convention.

Ayon kay ACT Teachers Party-list Representative France Castro ang mga probinsyon na inihahain ng constitutional convention ay hindi kailangan para sa pag unlad.

May mga pag aaral umano na nahuhuli na ang Pilipinas pagdating sa Agricultural Modernization at dahil dito, ito ang higit na kailangang pagtuonan ng pansin.

Sa ngayon, umaaray parin ang iilan pagdating sa presyo ng mga agricultural products partikular na sa mga gulay.

Ang mga magsasaka naman ay nahihirapan sa mga pananim dahil sa weather patterns, kung minsan sa sobrang init o di kaya ay sobrang lamig na nagreresulta ng pagkasira ng mga produkto.

Samantala, ayon naman kay Gabriela Party-list Representative Arlene Brosas, hindi ang constitutional convention ang sagot sa problema ng mga Pilipino.

Kung matatandaan, umabot 300 na mambabatas o katumbas ng 95% sa kongreso ang sang ayon sa nasabing resolution.