-- Advertisements --

NAGA CITY-Ninakawan ng isang microfinance collector ang Agricultural Rural Development Catanduanes Inc. sa Mulanay, Quezon.

Kinilala ang biktima na ang Agricultural Rural Development Catanduanes Incorporated na rinerepresenta ni Maricel Cervantes Alpuerto, 44 anyos, residente ng Brgy. Ibabang Dupay, Lucena City.

Kinilala naman ang suspek na si alyas Mark, 30 anyos, residente ng Brgy. San Isidro, Sampaloc ng nabanggit na probinsya.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na nakakuha ng tawag ang Tayabas Municipal Police Station na may naging biktima aniya ng panghoholdap.

Nang inimbestigahan ito ng mga awtoridad, kanilang nalaman na may mga inconsistency sa mga alegasyon ni alyas Mark.

Pagkatapos ang ilang oras ng interview ay umamin na ito na ninakaw nito ang kanyang koleksyon na nagkakahalaga ng ₱166,649.

Nakuha naman dito ang mga transaction documents at ₱42,049 kung saan ayon dito ay kanyang ginasta ang ₱124,600 sa online sabong.

Dahil dito sinampahan na ng kaso si alyas Mark at presenteng nakadetine na sa Tayabas Municipal Police Station.