-- Advertisements --
Bumaba ang halaga ng kabuuang agricultural trade ng Pilipinas sa $24.35 billion noong nakalipas na taon ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Ang halaga ng agri exports ay bumaba sa $6.43 billion mula sa $7.50 billion habang ang imports naman ng bansa ay bumaba din sa $17.92 billion mula sa $19.3 billion.
Nananatiling pinakamalaking agricultural exports at imports ay ang edible fruits, nuts, at cereals.
Sa mga bansa sa ASEAN, ang Malaysia ang nananatiling top destination para sa exports habang ng Vitenam naman ang top supplier ng agricultural imports.
Para naman sa mga bansa sa Europa, ang Netherlands ang top destination ng agricultural commodities habang ang Spain naman ang top supplier ng agricultural commodities sa bansa.