-- Advertisements --

Bumulusok ng 1.5% ang agricultural products ng bansa sa ikalawang quarter ng taong 2021.

Iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA), bumaba ang produksyon kasunod ng -3.4% ng unang quarter at -3.8% ng huling quarter ng nakaraang taon.

Ayon sa PSA, malaki ang epekto rito ng pagbaba ng livestock na bumaba ng 19.3% at fisheries production na bumaba ng 26.3%.

Gayunman, may nakita ring pagtaas ng output sa mga pananim at maging sa poultry products.