Nakitaan ng paglago ang kamalayan ng mga nasa sektor ng pagsasaka ukol sa paggamit ng bank loans upang punan ang kinakailangang puhunan sa panahon ng pagtatanim, pag-ani at pagmantini.
Lumitaw ang data mula sa isinagawang survey ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) mula sa mga saklaw nitong bank na kinabibilangan ng private universal and commercial banks, private thrift banks, private rural and cooperative banks at government-owned banks, bukod pa sa digital
banks.
Ang pagsasagawa ng pag-aaral ay kasabay ng pagsisimula ng pagpapatupad ng Repblic Act (RA) No. 11901 na kilala rin bilang Agriculture, Fisheries at Rural Development Financing Enhancement Act of 2022.
Dahil dito, ang survey ay nagsisilbing baseline data para sa pagsubaybay sa pagpapahiram ng mga bangko.
Lumabas sa survey na ang mga pautang at serbisyo sa agrikultura sa kabuuan ay tumaas para magamit ng mga magsasaka ang kapital sa pagkuha ng mga buto, pataba, manok, alagang hayop, feeds at iba pang katulad na mga bagay.
“In 2022, the share of agriculture loans and services to total loans granted in most banking units increased…,” saad ng resulta ng survey.
Gumamit din ang mga ito ng kapital para sa mga pangunahing pananim na pang-agrikultura at pagkuha ng mga hayop sa trabaho, sakahan at kagamitan at makinarya sa pangingisda.
Naniniwala ang mga eksperto na kung magpapatuloy ang ugnayan ng agriculture at banking sector ay mas lalago ang parehong panig, na lilikha naman ng positibong resulta sa publiko na umaasa sa kanilang mga produkto at serbisyo.