-- Advertisements --
Kinumpirma na ng makapangyarihang Commission on Appointments (CA) ang ad interim appointment ni Agriculture Sec. William Dar.
Sa isinagawang hearing ng CA sa Senado, inindorso pa nina Senate committee on agriculture chairperson Sen. Cynthia Villar at dating DA secretary Sen. Kiko Pangilinan ang appointment ng kalihim.
Kinilala ng mga mambabatas ang mga naiambag ng opisyal sa pagtataguyod ng mga programa para sa agriculture sector ng ating bansa.
Ayon kay Pangilinan, ang malawak na karanasan ni Dar at maayos na pamumuno sa DA ang pangunahing rason nang kumpirmasyon nito para sa nasabing tungkulin.