Naniniwala ang Federation of Filipino Chinese Chamber of Commerce and Industry na malaki ang maiaambag ng
turismo at agrikultura sa para sa inaasahang paglago ng ekonomiya ngayong 2023.
Sinabi ni Dr. Lily Lim, Vice-Chairperson ng Media and Public Information Affairs ng Federation of Filipino Chinese Chamber of Commerce and Industry na malaking impact ang tinatawag na “Durian protocol” kung saan ay napagkasunduan ang pag-i-export ng Pilipinas Ng Durian sa China.
Naririyan din aniya ang abokado, saging, mangosteen at iba pang prutas na for export.
Sa kabilang dako, sabi ni Lim ay isang factor din ang turismo para lumakas ang ekonomiya ng bansa.
Matatandaan ayon Kay Lim na noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos ay numero uno sa Southeast Asia ang Pilipinas kung pag- uusapan ay turismo.