-- Advertisements --
chief Laurel

Target ng Office of the Presidential Assistant for Mindanao-Eastern at Department of Agriculture na palakasin ang sektor ng agrikultura sa Mindanao.

Ito’y sa pamamagitan ng pagkakaroon ng collaborative assistance ng dalawang ahensya na layuning pahusayin ang produksyon ng Palay at ibat-ibang uri ng pananim sa naturang lugar.

Nakipag pulong nga si Presidential Assistant for Eastern Mindanao Leo Tereso Magno kay DA Secretary Francisco Laurel .

Layun ng pag-uusap na ito na tuklasin ang mga alternatibong paraan upang maibalik ang mga interes ng mga magsasaka sa pagtatanim at upang mapabuti ang kanilang produksyon sa agrikultura at iba pang alalahanin.

Ang pagpupulong ay alinsunod pa rin sa Kautusan ng PBBM sa kalihim ng DA hinggil sa modernisasyon ng industriya at pagtiyak na may sapat na abot-kayang pagkain sa hapag ng bawat tahanan ng mga Pilipino.

Binanggit rin ng punong ehekutibo ang patuloy na pagtaas ng mga agricultural commodities sa bansa, pagbabago ng klima at mga sakit ng hayop .

Kung maaalala, inatsan rin ng pangulo si Laurel na palaguin at paghusayin ang mga sakahan sa bansa.

Ayon naman kay Magno, target nilang palakasin ang industriya ng agrikultura ng Eastern Mindanao para sa food security hindi lang sa Mindanao pati na sa buong bansa at marami pang iba.