-- Advertisements --
BAGUIO CITY – Iminungkahi ng Department of Trade Industry (DTI) sa Department of Tourism (DOT) at sa Department of Agriculture (DA) Cordillera ang pagpapaganda sa agro-tourism sa rehiyon.
Ayon kay DTI Cordillera regional director Myrna Pablo, kailangang palakasin ang sektor ng turismo sa rehiyon sa pamamagitan ng mga programa ng DoT at ng agriculture industry.
Naniniwala ito na sa pamamagitan ng mga programa ay bibilis ang industry growth sa sektor ng turismo sa mga hotel and restaurants.
Aniya, posible rin itong makahikayat sa mga manufacturers at buyers na bumili sa mga produkto ng Cordillera.
Idinagdag ni Pablo na sa pamamagitan ng agro-tourism ay lalo pang makikilala ang Cordillera.