Nagmistulang instant celebrity ang blind, autistic “America’s Got Talent” contestant na si Kodi Lee.
Ito ay dahil maraming mga fans ng sikat na talent search sa Amerika ang humanga sa pagtanghal ni Kodi.
Mula nang magtanghal ito ay marami na ang tumatawag umano sa kaniya para magtanghal sa iba’t ibang bar sa California.
Ayon kay Paul Little, isa sa may-ari ng bar sa Murrieta, California, apat na taon ng tumutugtog sa kanila si Kodi.
Bago aniya ang kaniyang pagsali sa AGT ay may mga nakatakdang show ito sa darating na Hunyo 7.
Ibinunyag nito na mula ng makita si Kodi ay binaha sila ng tawag at nagpa-reserba ng tickets para sa show ni Kodi at ang venue ay fully booked na.
Pinaghahandaan na rin ng isang bar owner sa California ang posibleng pagbaha ng mga tao sa show ni Kodi na itinakda naman sa Hulyo 6.
Magugunitang naantig ang mga puso ng marami ng kantahin ni Kodi ang “A Song For You” ni Donny Hathaway.