-- Advertisements --
May mga karagdagdagang manlalaro ang isinama ni Gilas Pilipnas coach Tim Cone para sa pagsabak ng national team sa iba’t-ibang international sporting events.
Sinabi nito na pumayag sina Japeth Aguilar at Mason Amos na maging back-up sa 12-man players ng Gilas.
Dagdag pa nito na ang dalawa ay makakasama sa mga ensayo at biyahe ng orihinal na 12 manlalaro kung saan magiging handa silang maglaro kung kinakailangan.
Magugunitang sa first window ng 2025 FIBA Asia Cup Qualifiers ay naglaro si Aguilar habang nagpapagaling sa kaniyang injury si June Mar Fajardo.