-- Advertisements --
BUTUAN CITY – Kasama ang lalawigan ng Agusan del Norte sa 15 sa buong bansa na lalagyan ng Philippine Red Cross ng Operation Center ngayong taon.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Philippines, inihayag ni PRC chairman Richard ‘Dick’ Gordon, na moderno na ang nasabing mga operation centers dahil magdadagdag sila ng mga makina.
Sa bawatg-center ay makakakuha umano sila ng tigsasampung bags ng dugo kada-araw na malaking tulong na sa mga nangangailangan.
Ang nasabing mga operation centers ay maliban pa sa existing na nila ngayong 32 mga blood centers at 76 mga blood-collecting units.