-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Lima lang mula sa 22 mga rice retailers sa lalawigan ng Agusan del Norte na na-monitor na sumunod sa price cap, ang nag-qualify na tumanggap ng P15,000.00 na rice subsidy program ng gobyerno.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Lorie Jane Sacote, ang provincial director ng Department of Trade and Industry o DTI-Agusan del Norte, na ito’y base na rin sa kanilang monitoring at hindi pa ipinaabot sa mga mirco rice retailes na may ayuda ang gobyerno sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development.

Sa pitong rice retailers, dalawa pa ang disqualified dahil sa kawalan nila ng mayor’s permit.

Kinumpirma ng opisyal na sa ilang monitoring nitong nakalipas na linggo ay walang mga rice retailers sa mga bayan nitong lalawigan ang sumunod sa Executive Order No. 39 ng pangulo.