BUTUAN CITY – Binigyan na ng otoridad ni Agusan del Sur Governor Santiago ‘Santi’ Cane ang mga mayor sa mga munisipyo at sa Bayugan City sa nasabing lalawigan na magdeklara ng suspensyon sa trabaho o kaya’y sa klase kung kinakailangan na dahil sa patuloy na pag-ulan na hatid ng low pressure area.
Napag-alaman na kaganinang alas-11:30 ng umaga ay itinaas ang yellow heavy rainfall warning sa mga bayan ng Rosario, Bunawan, Trento, Sta. Josefa at Veruela sa Agusan del Sur sabay utos sa Agusan del Sur Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council at mga local DRRMOs na abisuhan kanunay ang mga residente sa mga barangay na nasa gilid ng ilog at bulubundukin na maging alerto sa mga posibleng magaganap na mga pagbaha at landslides.
Ayon kay Agusan del Sur provincial government spokesperson Nonoc Plaza, depende na sa mga local chief executives at sa kanilang assessment kung kailangan na nilang magkansela ng klase at trabaho.
Inaantay na rin ng probinsyal na pamahalaan ang mga reports mula sa kanilang mga Municipal DRRMCs upang malaman ang danyos na hatid ng wlang humpay na pag-ulan upang malaman din ang update sa mg pangunahing daan lalo na Maharlika Highway patungong Butuan at Davao area.
Dagdag pa ng opisyal, simula nang umulan ay naka-full alert na ang mga LGUs at handa na rin ang mga evacuation sites.