BUTUAN CITY – Sarado ngayong araw, Biyernes Mayo a-14, ang provincial government center ng Agusan del Sur para sa gagawing disinfection matapos na tatlong mga government offices ang naitalang may mga empleyadong nagpositibo sa COVID-19.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni provincial government spokesperson Alfredo ‘Nonoc’ Plaza na kasama na dito ang Provincial Environment and Natural Resources Office kon PENRO, Assessor’s office at Accounting Office.
Na-isolate na sa kanilang mga facilities ang mga empleyadong nagpositibo sa coronavirus at isinagawa na rin ang contact tracing sa mga taong kanilang nakasalamuha kung kaya’t marami-rami ang nakatakdang i-swab test.
Nilinaw ng opisyal na kahit marami pang mga kaso ang nadagdag sa kanilang lalawigan araw-araw, ngunit walang dapat na ikakabahala sa kanilang mga quarantine at isolation facilities dahil marami pa ang available kasama na ang mga nasa bayan.
Sa kabila nito’y hindi pa rin dapat magpakampante lalo na’t pataas ang mga kaso sabay panawagan na susundin palagi ang mga health protocols.