Agusan Del Sur, naitala na ang 14 na kaso sa suicide ngayong taon
BUTUAN CITY – Umabot na sa 14 na kaso sa pag-suicide ang naitala sa probinsiya ng Agusan Del Sur simula noong Enero 2023 hanggang sa pagkuha nitong balita ngayong buwan ng July.
Ayon kay Police Col. Jovito Canlapan, Provincial Director sa Agusan Del Sur Police Provincial Office na nasa iba’t ibang taong gulang ang mga biktima na nagbigti sa iba’t ibang kadahilanan rin.
Dagdag pa sa opisyal na naglagay na sila ng healthline number na pwedeng tawagan sa mga may problema o kaya yaong walang masusumbongan o walang makausap.
Habang ang mga personahe sa Women and Children Protection Desk o WCPD nakikipag-ugnayan na rin sa Department of Social Welfare and Development o DSWD o sa Municipal Social Welfare and Development upang malibot ang mga barangay at maka-usap ang mga magulang bilang pagbigay ng guidance upang malaman kung sino yaong may tinatagong problema.