-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Isina-ilalim na sa state of calamity ang lalawigan ng Agusan del Sur dahil sa malawakang mga pagbaha na hatid ng low pressure area na naka-apekto na sa karamihan sa kanilang mga bayan.

Sa isinagawang 3rd special session ng Sangguniang Panlalawigan sa pangunguna ni Vice Governor Samuel Tortor, walang tumutol sa mga board members sa ipinasang resoluyon para sa nasabing pakay.

Dahil dito’y magagamit na ng probinsyal na pamahalaan ang kanilang pundo na makakatulong sa pagbibigay nila ng ayuda sa mga apektado ng naturang kalamidad.

Napag-alamang kasama sa mga apektadong bayan ay ang Veruela, La Paz, Loreto, Santa Josefa, Trento, Bunawan, Rosario, San Francisco at Talacogon na hanggang sa ngayo’y nasa critical level pa rin ang tubig-baha.