-- Advertisements --
AGUSAN
AGUSAN marsh

BUTUAN CITY – Opisyal nang idineklarang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Heritage Park ang Agusan Marsh Wildlife Sanctuary sa lalawigan ng Agusan del Sur.

Ito’y matapos ibigay sa mga opisyal ng nasabing lalawigan ang certificate of recognition sa isinagawang 6th ASEAN Heritage Parks (AHPs) Conference sa Pakse, People’s Democratic Republic of Laos sa pamamagitan ng kanilang Department of Forestry, Ministry of Agriculture and Forestry.

Ito’y kaugnay na rin sa pagdiriwang ng ika-35 anibersaryo ng 1st ASEAN Declaration on Heritage Parks and Reserves.

Tema sa nasabing selebrasyon ngayong taon ang “Sustainability and Innovation for Parks and People—Celebrating 35 years of ASEAN Heritage Parks.”

Maatatandaang nitong Nobyembre 8, 2018 ay inaprubahan sa pamamagitan ng ASEAN Ministerial Meeting on the Environment via ad referendum ang naturang deklarasyon.