BUTUAN CITY – Dumarami ngayon ang bilang ng mga pamilyang inilikas sa iilang barangay sa Agusan del Sur dahil sa umaapaw na mga tubig-baha mula iilang mga ilog na hatid ng ilang araw ng pag-ulan dahil sa low pressure area na nasa vicinity ngayon ng Mindanao
Nasa evacuation center na sa Municipal Gymnasium sa bayan ng Trento, Agusan Del Sur ang 73 mga pamilya o 348 mga indibidwal matapos tumaas ang water level ng Bahayan River na naka-apekto sa Brgy. Sta.Maria.
Sa Brgy. Libertad at Hubang naman sa nasabi ring bayan ay may naaanod ng dingding sa bahay at lampas-tao na ang tubig-baha kung kaya’t pinapapaputol na ang linya ng kuryente.
.
Sa bayan naman ng Bunawan sa nasabi ring lalawigan, ilnihayag ni Jane Tangcay na may 6 na mga barangay na ang nakapagtala ng mga evacuees dahil rin sa baha kungsaan inaasahang dadami pa sakaling hindi pa rin titigil ang pag-ulan.
Sa Agusan Del Norte naman, patuloy ang pag-monitor ng mga opisyal ng Barangay Jaguimitan at Culit sa bayan ng Nasipit, Agusan del Norte dahil sa patuloy na paglaki ng level ng kanilang ilog kungsaan na-abot na ang iilang kabahayan.
Ayon kay Culit Brgy Kapitan Joel Pepito, magdamagan ang kanilang pag-monitor sa Sitio Sumagayad dahil umabot na rin sa kabahayan ang tubig-baha.