-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Patuloy na kinikilala ng mga otoridad ang identity ng panibagong katawan na natagpuang wala nang buhay sa Agusan River.

Ito’y halos 24 oras lang mula nang matagpuan kahapon ang parehong malamig na bangkay ng magkapatid na sina Nigel, siyam na taong gulang, at 11-anyos na ate nitong si Patricia Batuig.

Ayon kay Barangay Kapitan Ronielen Olande, ang mangingisdang si Roderick Racaza ang nakakita sa nakalutang na bangkay nang puntahan nito ang kanyang palaisdaan kaninang alas-5:30 ng madaling araw.

Ayon kay Kapitan Olande, sumabit sa water lily ang labi ng biktima kaya hindi na ito lumayo pa.

Kaagad namang rumisponde ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard at isinailalim na sa karagdagang pagsusuri ang biktima.