-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Malaking karangalan ang bitbit ng isang para-athlete hindi lamang para sa lalawigang kanyang pinagmulan sa Agusan del Sur kundi pati na sa Caraga Region at sa buong bansang Pilipinas.

Ito’y matapos makamit ng 20-anyos na si King James Reyes na taga-Loreto, Agusan del Sur ang gold medal sa nagpapatuloy na 11th Association of Southeast Asian o 11th ASEAN Para-Games na isinagawa ngayon sa Indonesia.

Si King James Reyes ang nanguna sa ibang mga atleta sa athletics men’s 5,000 meter T46 event sa kabila na ito ang kanyang unang pagsali sa international competition.

Dagdag pa nito na palagi lamang siyang nakabuntot sa atleta ng Malaysia hanggang sa kanya na itong na-unahan matapos niyang dikitan sanhi ng kanyang pagkampyon.

Ngayong araw ay tatlong mga events ang kanyang sasalihan kung kaya’t umapela siya ng dasal mula sa lahat ng mga Filipino upang kanya ring makamit ang gold medals sa nasabing mga laro.