BACOLOD CITY – Tiniyak ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na ligtas sa kanilang kustodiya ang nai-turn over na ahas na may dalawang ulo na natagpuan sa San Enrique, Negros Occidental.
Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni Joan Nathaniel Gerangaya, head officer ng Community Environment and Natural Resources Office, na ito’y para matiyak na ligtas at hindi mamamatay ang hayop kapag kanila itong pinakawalan.
Batay sa ulat, isang double-headed na bronze-backed snake ang itinurn over sa kanilang tanggapan ng mga residente ng Brgy. Tabao noong February 27.
Sa inisyal na pagsusuri ng tanggapan, nasa isang buwan pa lang ang edad ng ahaas na may habang 29-centimeters.
Ayon kay Gerangaya, nabubuhay sa tropical countries gaya ng Pilipinas, Vietnam, at Cambodia ang naturang uri ng ahas.