-- Advertisements --

Bigong nakapasok sa Top 5 ang pambato ng Pilipinas na si Ahtisa Manalo sa Miss Cosmo 2024 pageant.

Ang Top 5 queens na umabante sa question and answer portion ay: Indonesia, Peru, Thailand, USA, at Vietnam.

Nasungkit ni Ahtisa ang kanyang pwesto sa Top 10 sa pagiging number one queen sa Cosmo People’s Choice voting portion. Napili ang 10 queens sa pamamagitan ng hurado at ng audience voting.

Dumating si Ahtisa sa Vietnam noong nakaraang buwan para sa kompetisyon.

Para sa national costume round, nagsuot siya ng Dyesebel-inspired costume.

Sa kabila ng kanyang sprained ankle, present pa rin ang Filipina beauty queen sa mga closed-door interviews. 

Ginanap ang Miss Cosmo coronation night sa Saigon Riverside Park sa Ho Chi Minh City, Vietnam.