-- Advertisements --
Binalaan ni Ahtisa Manalo ang kaniyang mga followers na maging mapanuri sa gumagamit ng kaniyang pangalan para nanghihingi ng donasyon para sa mga biktima ng bagyong Kristine.
Sa social media account nito ay nagpost ito ng screenshot ng pag-uusap na nagpapanggap bilang siya.
Ang nasabing scammer ay nagpadala pa ng QR Code kung saan humihingi ito ng donasyon para sa biktima ng bagyo sa Quezon Province.
Paglilinaw niya na hindi siya personal na humihingi ng anumang donasyon para sa mga biktima ng bagyo.
Hinikayat nito ang mga followers na agad na isumbong sa otoridad kapag nakatanggap sila ng parehas ng mensahe.