-- Advertisements --

Sasali muli sa pinaka sikat na national pageant dito sa Pilipinas na Miss Universe Philippines ang pambato ng Quezon Province na si Ahtisa Manalo ito’y makaraang pag-usapan online ang kaniyang muling pagsali matapos ang nakaraang international pageant.

Kung saan nga ay nakuha ni Ahtisa ang Top 3 placement ng Miss Universe 2024 at kalaunan ay napili bilang unang Filipina na isinabak sa Miss Cosmo na na siya namang nagluklok sa Pinay beauty queen sa Top 10 placement at people’s choice award.

Hindi rin bago ang 27-taong gulang na si Manalo sa larangan ng pagsali sa beauty contest dahil noong 2018 ay nanalo itong Binibining Pilipinas International at maiuwi ang 1st runner up title.

Sa ngayon tahimik si Ahtisa sa pagbibigay ng detalye kung aling probinsya ang kaniyang i-rerepresenta sa darating na national pageant ng MUPH 2025.

Samantala tila binasag naman ni Pauline Amelinckx ng Bohol ang pag-asa ng mga fans nito matapos i-anunsyo nito sa kaniyang social media account ang pagdadalawang isip kung siya ay sasali pa nga ba ngunit sa maikling mensahe ay sinabi nitong ‘i always listen to my gut and heart, for not they are leading me on a different but equality exciting path.’

‘Cheers to forging new paths and opening doors (emogi),’ dagdag ni Pauline.

Nagbigay naman ng malaking suporta ang beauty queen para sa mga kapwa beauty queen na sasali sa MUPH 2025.

‘Wishing all the incredibly phenomenal women the best,’ sabi ni Pauline sa kaniyang IG post.

Pauline Amelinckx. Image: Instagram/@paulineamelinckx

Si Amelinckx ay isa sa mga pioneer ng MUPH nang mahiwalay ang franchise nito sa BPCI noong 2020 at naka tatlong ulit na sali narin sa naturang pageant simula noong 2020, 2023 at 2024 at napiling i-representa ang Pilipinas sa Miss Supranational 2024 at nanalo bilang 1st runner-up.