-- Advertisements --

Nasa mabuting kalagayan nasi Ahtisa Manalo ang pambato ng bansa sa Miss Cosmo pageant sa Vietnam.

Kasunod ito ng magtamo siya ng sprained ankle injury sa insidente ilang araw bago ang nakatakdang preliminaries sa Oktubre 2.

Nitong araw ng Linggo ay naglabas ng pahayag ang Miss Philippines at kinumpirma ang sprained ankle kaya hindi siya nakadalo sa ilang mga aktibidad.

Tiniyak naman ni Manalo na makakahabol ito sa mga susunod na aktibidad dahil sa mabilisang pagpapagaling niya.

Nakatakda sa Oktubre 2 ang preliminary night habang ang grand finale ay gaganapin sa Oktubre 5.

Ito ang unang edisyon ng Miss Cosmo pageant.