-- Advertisements --

Hiwalay na ang komedyanteng si Ai-Ai delas Alas sa asawang si Gerald Sibayan.

Kinumpirma ito sa isang panayam ng talk show host na si Boy Abunda.

Hindi naman na nagbigay pa ang actress kung ano at kailan ang naganap na hiwalayan ng dalawa.

Noong Disyembre 12, 2017 ng ikinasal ang dalawa sa isang simbahan sa Greenmeadows, Quezon City.

Bago ang kanilang pag-iisang dibdib ay ilang taon din ang kanilang relasyon.