-- Advertisements --
Kinondina ng komediyanteng si Ai Ai delas Alas ang pagdeklara sa kaniya ng Quezon City government bilang ‘persona non grata’.
Sinabi ng kaniyang abogado na si haro Rejuso-Munsayac na ang resolution ay isang uri ng kaselasyon na nagtataboy sa ilang mga artista na gumawa ng parehas na trabaho dahil sa takot na baka gantihan sila ng mga pulitiko.
Inilallagay niya nito sa panganib ang freedom of expressions ng isang artista, entertainers, content creators at iba pa.
Magugunitang naghain ng resolution si QC 4th district councilor Ivy Lagman na pagdeklara bilang ‘persona non-grata’ laban sa komendyante at short-film artist na si Darryl Yap dahil sa pambabastos umano sa logo ng lungsod na makikita sa inilabas na video.