Pinasok ng mga akyat-bahay ang tahanan ni Ai-Ai Delas Alas.
Ayon sa komedyante, madaling araw ng Biyernes nang mangyari ang pagnanakaw.
Dahil daw sa labis na pagtatahol ng kaniyang aso ay hindi na niya ito pinansin na ninanakawan na pala sila.
Nadiskubre na lamang nito ang insidente alas-11:00 ng Biyernes ng umaga nang ipakuha nito ang kaniyang bag sa personal assistant nito sa kuwarto niya.
Nabigla ito ng sabihin ng personal assistant niya na wala ang kaniyang bag kaya agad na tinungo ng mister na si Gerald Sibayan at doon nalaman na bukas na pala ang pintuan ng terrace.
Nakita niya ang mga nakakalat na mga mamahaling bag ng komedyante subalit wala na ang laman na pera.
Sa pagsisiyasat ng PNP, nakita nila ang bakas ng paa at kamay sa likurang bakod ng kanilang bahay.
Nagpasalamat na lamang si Ai-Ai dahil walang nasaktan sa kanila.
Samantala dinagdagan na lamang niya ng CCTV sa kaniyang bahay para hindi na maulit pa ang insidente.