-- Advertisements --

Ilulunsad na ng Department of Trade and Industry (DTI) sa susunod na linggo ang pagsisimula ng operasyon ng Center for AI (artificial intelligence) Research (CAIR).

Ito ay isang hub na magsasagawa ng artificial intelligence research and development at technology applications para sa public at private sector.

Maalalang unang pumunta si Trade Secretary Alfredo Pascual sa SIngapore kasama ang iba pang opisyal ng bansa upang makakuha ng mga insight ukol sa patok na artificial intelligence.

Ang ilulunsad na CAIR hub ay makakatulong sa iba’t ibang sektor dahil maaari itong mag-alok ng consultancy services, AI technology support, investment, at maraming mga trabaho.

Maaari itong magamit ng mga government agencies, researchers, mga unibersidad, small and medium enterprises, multinational companies, atbpa.

Ayon kay Sec. Pascual, nais nilang magamit ang transformative power ng AI para mapalakas ang economic growth sa Pilipinas, mapaganda ang serbisyo publiko, at maging globally competitive ang Pilipinas sa mundo ng artificial intelligence.