Sinimulan nang ipatupad nitong Huwebes, Hulyo 18, ang partial closure ng South Road Properties (SRP) tunnel nitong lungsod ng Cebu na inaasahang tatagal ng 6 hanggang 7 buwan.
Ang pagsasarang ito ay mahalaga upang matugunan ang mga makabuluhang isyu gaya ng electrical system malfunctions, inadequate lighting infrastructure, at mga maliliit na bitak sa struktura.
Hinimok pa ang mga motorista na dapat planuhin ang kanilang ruta at sundin ang mga traffic guidelines para sa maayos na daloy ng trapiko.
Samantala, asahan ng mga motorista ang maayos na pagbiyahe papunta at pabalik sa South Road Properties (SRP) dahil sa pagdaragdag ng mga bagong kalsada at artificial intelligence (AI)-enhaced traffic light system.
Ayon kay Cebu City Transportation assistant head Atty. Kent Francisco Jongoy
na ang naka-install na artificial intelligence (AI) aided traffic light system sa T-junction sa pagitan ng Il Corso Ave. at El Pardo Road ay makakatulong sa layunin ng lungsod na mapabuti ang galaw ng trapiko.
Sinabi pa pa nito na makakatulong aniya ang AI traffic light system na pamahalaan ang trapiko hindi lamang sa pangunahing daanan ng Cebu South Coastal Road (CSCR) kundi maging sa kahabaan ng bypass road.
Dagdag pa nito na makakatulong umano ang bypass road sa pagbabawas ng mga sasakyan sa coastal road na ang pangunahing destinasyon ay sa downtown ng lungsod.
Nilinaw pa ni Jongoy na ang AI-aided traffic light system sa SRP ay naka-program para sa mga prayoridad na pila ng sasakyan sa stoplights.
Kinontra naman nito ang pahayag ng ilang motorista na ang traffic light system ay magpapalala lamang sa siksikan ng mga sasakyan sa coastal road.