-- Advertisements --

Nagsalita na si OPM girl group BINI member na si Aiah Arceta sa espekulasyon na mayroon na itong karelasyon.

Sa social media account nito sinabi nito na ang pakikipagkita niya sa ibang mga tao ay hindi dapat bigyan ng kahulugan.

Dagdag pa nito na nakakapagtaka lamang na mabilis na kumalat ang ingay kung saan maraming mga katao ang hindi nakakaintindi nito.

Ikinalulungkot niya na tuwing nakikita siya na mayroong ibang mga kasama ay binibigyan agad ito ng maling impresyon o kahulugan.

Isinagawa na lamang nito ang pahayag para ipagtanggol ang mga kaibigan na nabibigyan ng maling kulay ng iba.

Sa pagtatapos ng kaniyang post ay sinabi niya na maraming bahagi ng kuwento kaya dapat alamin muna ng mga tao ang katotohanan bago manghusga.

Nagsimula ang espekulasyon ng makita siyang nanood ng Game 4 ng laban ng Rain or Shine at TNT nitong Marso 5 kung saan sinasabing iniuugnay siya kay Caelan Tiongson ang manlalaro ng Rain or Shine.