-- Advertisements --
Masayang ibinahagi ng komediyanteng si AiAi Delas Alas ang pagiging pastry chef nito.
Sa kaniyang social media nagpost ito ng larawan ng certificate na nagpapatunay na nakapagtapos na ito sa isang baking school.
Makikita sa larawan na natapos nito ang 160 oras ng Pastry and Bakery Arts Part-Time Certificate Program sa Treston International College and the Academy of Pastry & Culinary Arts Philippines (APCA).
Sinabi nito na naging masaya siya sa karanasan niya sa pag-aaral ng pag-bake at pinasalamatan niya ang naging kaklase niya.
Nagsimula ito nag-enroll sa nasabing kurso noong Setyembre.