-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Pinangunahan ni Senator Francis Tolentino ang pamamahagi ng financial assistance sa mga residente ng Midsayap at Aleosan Cotabato.

Nasa mahigit isang libo ang nakatanggap na mga mahihirap na pamilya sa bayan ng Midsayap mula sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD-12).

Katuwang ni Senator Tolentino sa pamamahagi ng tulong sa mga pamilya na sinalanta ng bagyong Paeng si DSWD-12 Regional Director Loreto Cabaya Jr,Midsayap Mayor Rolly Sacdalan,Board Member Sarah Joy Simblante na representante ni Cotabato Governor Emmylou”Lala”Mendoza at mga myembro ng Sangguniang bayan ng Midsayap sa pangunguna ni Vice-Mayor Dr Toto Deomampo.

Naniniwala si Senador Tolentino na makakabangon at uunlad pa ang bayan ng Midsayap dahil magagaling ang mga namumuno nito lalo na sa mithiin na maging lungsod o City.

Umaasa ang senador na sa pamamagitan ng mga hakbang na ito ng pamahalaan ay masisimulan ng mahihirap na pamilyang Pilipino na maibangon ang antas ng kanilang pamumuhay.

Isa rin itong paraan para maramdaman ng bawat pamilyang Pilipino na handang umalalay ang gobyerno at may mga programa na ipinapatupad para sa kanilang kapakanan.

Samantala,nakisaya at naki-birthday na rin ang senador sa kaarawan ni MSWDO-Midsayap Officer Karl Ballentes,nakipagpulong sa mga opisyal ng LGu,Barangay leaders at grupo ng mga magsasaka

Bumisita rin ang opisyal at nagdasal sa simbahan ng Patron Sto Nino ng bayan kasabay ng selebrasyon ng Halad Festival at nalalapit na kapistahan.

Huling tinungo ni Senador Tolentino ang bayan ng Aleosan Cotabato para sa AICS payout.